Tuwing may nakikita ako na mga student activists, naiisip ko mga dinaanan ko dati-
"Yung tipong akala mo binabago mo yung mundo sa pag sigaw sa kalsada, akala mo nag kakasundo ang buong mundo- fired up ka, energetic, dami mo enerhiya- madami ka gusto sisihin sa eskwelahan mo, sa gobyerno at kadalasan sumasali ka sa protesta dahil malungkot sa bahay-" di mo pa mahanap sarili mo- gusto mo yung feeling of belongingness.
Hindi sa, walang nagagawa ang protesta, meron- madami kung may direction at concentrated efforts- may planning at end goal- pero kadalasan ng mga gantiong movement nag fafade away- dahil wala talang goal- nauuwi sa fad at self interest.
Kadalasan ginagamit lang ang mga bata, ang enerhiya nila bilang mga Pawn- madali kasi sila lipulin dahil sa emosyon, at iilan ang nag-iisip kung ano talaga ang gusto nila mangyari sa buhay.
Magigising ka na lang, kanya kanya ng negosyo mga kasama mo, yung idolohiya mo nagugutom ka at pamilya mo, yung hatred mo lalo lumalaki at tumataas- the more na negative ang sigaw mo the more na negatibo din nangyayari sa buhay at paligid mo.
Naging challenge sa akin, isipin mabuti kung paano ko lalagpasan ang pagiging aktibista ko--paano ba ako mas totoong babago ng mundo.
Sa mundo na galit ka palagi, galit din ang maidudulot mo.
Madami ang nagiging disillusioned at nagagamit na lang ang galing sa mga propganda ng mga mas malakas din sa kanila.
Na realize ko ito nung nag boboycott ako ng SM, straight 3 years tapos, yung mga mismong nag tuturo sa akin mag boycott nasa SM starbucks every other week.
I have realized, that I needed to know who I am, akala mo minsan nakakatulong ka, pero kelan kaya nakatulong ang galit?
Sa simula't sapul, mas makakatulong pa pala ako, kung naresolbahan ko lungkot ng sarili kong isip-- that if I could be happy and lead a peaceful life I could contribute more.
HIndi gobyerno, pamilya at ibang tao ang may kasalanan bakit ganyan ang buhay mo--IKAW AT ANG ISIP MO ANG KAILANGAN MO BAGUHIN.
Next time, be careful, kung saan ka dinadala ng emosyon at idolohiya mo, pag bata ka-- gustong gusto ko nila gamitin lahat.
Alamin mo--ano kang totoo, para di ka mawala. DECIDE YOUR OWN LIFE
Alamin mo--ano kang totoo, para di ka mawala. DECIDE YOUR OWN LIFE